Linggo, Setyembre 24, 2017

Two Faces of Social Media: Good and Evil

Social media has become part of our daily lives, from communication to interaction. Being a netizen, you should know the two faces of social media. The Socratic Pal has to give you 4 examples:


source: http://www.sociobits.org
GOOD: You can easily have friends whether you know them or not. With just a single tap, you can easily find friends through social media.
EVIL: Most of these unknown friends can be enemies. Being your friend online gives them access to your account whether public or private informations.

source: marketingland.com
GOOD: You can easily communicate to someone. Another advantage of social media, examples are Skype, Facebook Messenger, Yahoo Messenger, etc.
EVIL: Giving private or very important informations through social media. Online communications can be done effortlessly, that's why, most of us are relying to it, like excusing for absence in class through messenger, sending personal informations, etc.

source: cdn.20m.es
GOOD: Almost everything we learn from school is here. With just a few seconds, we can have millions informations about anything were searching for.
EVIL: Not every information here is true. Some of informations we get here have different sources, authors, and some of them are just made from opinions.


source: cnet4.cbsistatic.com
GOOD: Online data storage(Cloud Storage) is available and some are free. For backing up files, you don't have to worry buying some storage devices like Flash Drive as long as you have internet access, storing data online is available.
EVIL: Every data online can be hacked. This is the reason why even the largest government organizations still uses papers for documentations, everything in the internet can be hacked because, remember, internet is an "INFORMATION SUPERHIGHWAY".

Biyernes, Setyembre 8, 2017

Bakit ka Umaasa sa Social Media?

Bakit mo ibinabase sa Social Media ang iyong buhay?
Naglalabas rito ng sama ng loob at nagpapalipas ng lumbay
Umaasang sa bawat comment makikita ang tulong at gabay,
Nagpapapansin kay crush at reaksyon niya'y laging hinihintay?
Bakit? Bakit ka umaasa sa Social Media?

Bakit ang tanging koneksyon niyo ay Facebook?
Hinihintay siyang magparamdam kasabay ng iyong pagmumukmok,
Pag nagchat siya, saka mananatili sa isang sulok,
Ngunit pagdating sa personal, nananahimik kang parang lamok?
Bakit? Bakit ka umaasa sa Facebok?

Bakit sa Youtube ay gusto mong sumikat?
Yung tipong para lang sa views ay magagawa mo ang lahat,
Isinasawalang bahala, batikos at paninira nilang balak,
Masiguro lamang na ang video mo ay kumalat?
Bakit? Bakit mo dinidepende sa Youtube ang lahat?

Maraming likes at comments, pero walang tunay na kaibigan,
Malapit kayo sa Facebook, pero sa personal ay walang imikan,
Sikat sa Youtube ngunit marami pa rin talagang kulang,
Kaya't ang huling katanungan,
Masaya't kuntento ka ba sa ganiyan?

Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Akala ko Noong Una

Akala ko noong una,
Baka mahuhulog sa iyo ng di namamalayan,
Nagkamali pala ako,
Pagkat lagpas pa sa pagkahulog naramdaman.

Akala ko noong una,
Gugustuhing makausap ka't makita,
Nagkamali pala ako,
Pagkat humigit pa sa kagustuhan ang ika'y makasama.

Akala ko noong una,
Lahat ay naiba nang ikay unang makasama,
Nagkamali pala ako,
Pagkat naiba rin pakikitungo mo.

Akala ko noong una,
Hiling ko'y pagbibigyan,
Nagkamali pala ako,
Pagkat ika'y biglang nang-iiwan,
Seryosong usapan, di pinapayagan,
Di nagpapaalam, ako'y binabalewala lamang.



Akala ko noong una,
Komunikasyon ang magiging umpisa ng lahat,
Nagkamali pala ako,
Kawalan ng interes ang sa aki'y naipakita mo.

Akala ko noong una,
Ansarap magbasa ng tula,
Nagkamali pala ako,
Pagkat hanggang umpisa lang pala lahat ng 'to.

Akala ko noong una,
Di ko daramdamin negatibong ugali mo,
Nagkamali pala ako,
Pagkat, dahil sa mga nagawa mo,
 Limitasyon ko'y napagtanto.

Akala ko noong una,
Paglipat mo ng school ay balewala,
Nagkamali pala ako,
Pagkat, ambilis mong nakalimot ata.





Akala ko noong una,
Tama kang mayabang nga ako,
Ngunit nagkakamali ka,
Hindi ako mayabang, hindi lang kasi ako perpekto,
Para maging ganoon sa ninanais mo,
Alalahanin mo, tao pa rin ako.

Akala ko noong una,
Magbibigay ka ng reaksyon mo sa bawat linya,
Nagkamali pala ako,
Pagkat pambabalewala ay muling ipinadama mo,
Ipinagkait, pag-awit sa iyo ng galing sa puso.

Paulit-ulit akong humihingi ng tawad,
Kahit na alam kong may pagkakamali ka rin,
Paulit-ulit kitang minimensahe,
Kahit na alam kong di mo ako rereplayin,
Paulit-ulit akong humihingi ng dispensa,
Kahit na alam kong nagsasawa ka na sa akin,
At higit sa lahat,
Paulit-ulit kitang iniisip,
Kahit na alam kong kahit kailan ay di ka magsasayang ng oras para lang ako'y alalahanin.



Napakasakit isipin,
Ngunit kailangang tanggapin,
Napakasakit tanggapin,
Ngunit kailangang tiisin,
Napakasakit tiisin,
Ngunit kailangang gawin,
Napakahirap gawin...

Ngunit naalala ko, kailangan
Sapagkat, alam ko,
Pagpaparaya ang pinakamabuting paraan.