Bakit mo ibinabase sa Social Media ang iyong buhay?
Naglalabas rito ng sama ng loob at nagpapalipas ng lumbay
Umaasang sa bawat comment makikita ang tulong at gabay,
Nagpapapansin kay crush at reaksyon niya'y laging hinihintay?
Bakit? Bakit ka umaasa sa Social Media?
Bakit ang tanging koneksyon niyo ay Facebook?
Hinihintay siyang magparamdam kasabay ng iyong pagmumukmok,
Pag nagchat siya, saka mananatili sa isang sulok,
Ngunit pagdating sa personal, nananahimik kang parang lamok?
Bakit? Bakit ka umaasa sa Facebok?
Bakit sa Youtube ay gusto mong sumikat?
Yung tipong para lang sa views ay magagawa mo ang lahat,
Isinasawalang bahala, batikos at paninira nilang balak,
Masiguro lamang na ang video mo ay kumalat?
Bakit? Bakit mo dinidepende sa Youtube ang lahat?
Maraming likes at comments, pero walang tunay na kaibigan,
Malapit kayo sa Facebook, pero sa personal ay walang imikan,
Sikat sa Youtube ngunit marami pa rin talagang kulang,
Kaya't ang huling katanungan,
Masaya't kuntento ka ba sa ganiyan?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento